12

Apr 30, 2021 @ 18:12
By

LeBron pinagtanggol si Westbrook: Respetuhin niyo kami!

Sawa ni si LeBron James na makabasa ng mga patama kay Russell Westbrook.

Sa Instagram ni LeBron, nag-post ito ng larawan nila ni Westbrook matapos talunin ng Washington Wizards ang LA Lakers, 116-107.

Dito pinagalitan ng four-time NBA MVP ang mga basher ni Westbrook, kung saan sinabi niya na dapat respetuhin sila ng mga ito.

“We know y’all HATE & don’t APPRECIATE but we just laugh it off! But 1 thing you will do is RESPECT IT/US,” caption ni ‘King James.

Tumugon naman si Russ, “Straight like that brodie!!!”

Matagal ng sentro ng kritisismo si Westbrook, may ilang nagsasabi na ‘stat padder’ umano ito dahil sa dami ng triple double sa kanyang career.
.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?