14

Sep 7, 2020 @ 23:57
By

LeBron nilampasan si Allen sa 3-pts made

Isa pang palamuti sa kanyang makulay nang NBA career ang idinagdag ni LeBron James nitong Linggo.

Sa first half ng 117-109 win ng Lakers kontra Rockets, ibinaon ni LeBron ang 386th playoff triple ng kanyang career para igitgit ang pangalan sa second-most 3-pointers made sa NBA playoff history.

Nilaktawan ng The King sa second spot si Ray Allen (385) na ex-teammate niya sa Heat.

Nasa unahan pa rin ng pinakamaaangas na 3-point shooters sa playoffs si Stephen Curry na may 470 makes.

Kelan lang kontra Blazers sa West first-round, nilundagan ni James sa No. 3 si Klay Thompson, ang Splash Brother ni Curry sa Golden State.

Nang mabalitaan ni Thompson ang milestone sa Instagram, may sundot agad siya:

Dang don’t do me like that @kingjames!!”

Sumagot si LeBron:

“@klaythompson I have a strong hunch you’ll pass me right back in the playoffs 2021 playoffs!!”

Mahigpit na magkaribal sa court sina LeBron at Thompson, pero sa labas ay magkaibigan. Inimbitahan dati ni James si Thompson na lumabas sa Space Jam 2, na agad pinaunlakan ng Warriors sharpshooter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?