119
LeBron nalaos sa NBA 2K19
Apr 9, 2019 @ 19:13
By

LeBron nalaos sa NBA 2K19

Maraming beses nang tinanghal na highest rated player sa sikat na video game series na NBA 2K si LeBron James pero nagbago ito kamakailan.

Inalis na ang Lakers star bilang nag-iisang highest overall rated player.

Mula sa 98 ay bumaba si James sa 96 kung saan ka-level na niya sina James Harden at Giannis Antetokounmpo.

Maaaring ang nakakadismayang performance umano ng Lakers ang dahilan kaya bumaba ang rating ni James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?