13

Apr 3, 2020 @ 8:40
By

LeBron nahuhumaling sa IG live

Habang naka-home quarantine, hindi sinayang ni NBA star LeBron James ang kanyang oras dahil nilaan sa paggawa ng kanyang highlight video compilation bilang pang-aliw sa sarili at sa fans niya.

Sa Twitter ng LA Lakers player na @KingJames, naglitanya siya sa ideya niyang gumawa ng compilation at nag-throwback ng kanyang memorable games via Instagram live kung saan balak niyang siya mismo ang gumawa ng vlog.

“Thinking about maybe sitting down and breaking down some of my most memorable games and moments in my career. Maybe IG Live it or just film it and hold on to it for another time,” pahayag ni ‘The King’.

Nakahiligan ng 35-anyos na cager na mag-live video gamit ang kanyang IG mula nang masuspinde ang mga laro sa NBA matapos ang COVID-19 pandemic.

Nitong nakaraang linggo lang, bumati-bati pa si James sa kanyang mga fan gamit din ang IG live.

Kasunod noon ay nagpaandar ito ng closet tour kung saan pinasilip ang mga mamahalin niyang sapatos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?