40
LeBron nagpasiklab kay Kobe
By

LeBron nagpasiklab kay Kobe

May espesyal na audience si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers at Atlanta Hawks sa Staples Center.

Panay ang palakpak ni Kobe Bryant habang nakaupo sa courtside dahil sa pagpapasiklab ni LeBron.

Sa opening nine minutes pa lang ng laban ay nagrehistro na si King James ng 12 sa kanyang 33 points para sa Los Angeles.

Anim na 3-point shot din ang kinana ng kasalukuyang star player ng Lakers para isampal ang ikalawang pagkatalo ng Hawks, 122-101, Linggo ng gabi (Lunes, Manila time).

Aminado naman ang 34-anyos na si James na nagpasikat siya kay Kobe para ganahan itong manood ulit ng laban ng Lakers, na dating koponan ng tinaguriang “Black Mamba”.

“I’m just trying to put on a show for him and give him a reason to be like, ‘OK, we might come to another game’,” sabi ni James.

Nag-trending ang appearance na ito ni Kobe sa Staples.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?