86

Dec 7, 2017 @ 18:18

LeBron, naglaro ng ‘NBA 2K18’ para paghandaan si Thomas

Naglalaro umano ng video game na ‘NBA 2K18’ si LeBron James upang paghandaan ang pagsabak sa Cleveland Cavaliers ni Isaiah Thomas.

Si Thomas ay nai-trade mula sa Boston Celtics ng Cavs kapalit ni Kyrie Irving ngunit kailanman ay ‘di pa nakasama sa mga laban ng Cleveland dahil sa problema nito sa balakang.

Sa kabila nito’y nagawa naman ng Cavs na ipako ang 12-game winning streak nila kahit hindi pa naglalaro si Thomas.

Ayon sa ESPN, nakatakda umanong lumaro si Thomas sa Cavs nitong linggo kaya’t nate-tense na si James kung paano ang gagawin.

Isang paraan ang naisip umano ni James para ma-‘visualize’ kung paano aakma si Thomas sa Cleveland at ito’y sa paglalaro ng video game.

“It’s the most realistic basketball game you could ever play,” ani James. “I mix and match a lot of lineup changes to see how we can be really good. I’ve done that.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?