41

Jul 19, 2021 @ 19:10

LeBron nagbitbit ng tequila sa finals

DUMALO ang NBA superstar na si LeBron James sa Game 5 ng tapatan ng Milwaukee Bucks at Phoenix Suns kamakalawa.

Habang nanonood ng laban si LeBron, hindi nito nakalimutang magbibit ng tequila.

Isang bote ng Lobos 1707 ang bitbit nito sa game, pero hindi para maglasing kundi para i-promote ang nasabing brand.

Mapapansin na kitan- kita na nakaharap sa camera ang pangalan ng tequila, maraming malalaking pangalan ang nag-invest sa Lobos 1707 kaya naman kailangan maipakilala pa lalo, at ‘yun ang ginawa ni LeBron sa NBA Finals.

Hindi man nakapasok sa finals ang Lakers, jackpot naman si LeBron dahil sa pelikula nitong “Space Jam: A New Legacy”. (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?