12

Apr 4, 2021 @ 16:40
By

LeBron nag-transform sa ‘Space Jam’

Pinasilip ang patikim sa bagong installment ng ‘Space Jam’ kung saan si Lakers superstar LeBron James ang bida.

Sa naturang trailer, makikita si LeBron para sa ‘Space Jam: A New Legacy’, na sequel ng 1996 film noon ni Michael Jordan.

Sa pelikula, kailangang makipaglaban ni LeBron sa mga cartoon character para masalba ang kanyang anak at makabalik sa tunay na mundo.

Makikita rin sa trailer na nag-transform si LeBron bilang isang cartoon character, kung saan niya nakita si Bugs Bunny, isang sikat na karakter sa ‘Looney Tunes’.

Inaasahang ipalabas ang ‘Space Jam: A New Legacy’ sa July 16 sa HBO Max at mga sinehan sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?