42

Jan 9, 2020 @ 14:35
By

LeBron nag-throwback sa high school days

Hindi lang sa mga Pinoy nauso ang salitang `hugot’ dahil maging ang NBA champ ay tila nakiuso at humugot din.

Ito ay matapos ibahagi ni 3x NBA Champion LeBron James sa kanyang social media account ang paglalaro niya noong siya ay high school pa lamang kung saan makikita na tila na-miss niya ang kanyang dating grupo habang sinasariwa ang nakaraan.

“Still send chills through my body EVERYTIME I see this. Like I’m back senior year before running out for the State Championship and National Title on the line. #WeReadyAndWeSoSquad #Family @SianCotton85 @RomeTrav @DruOnDemand @ChillWill03 @BrandonWeems10 @Marcus32Johnson etc,” caption ni LeBron (@KingJames) sa retweeted video kasama ang kanyang high school teammates kabilang ang Magnolia import na si Romeo Travis.

Bago pa makilala sa National Basketball Association ay matatandaang sikat na ang 35-anyos cager sa kanyang high school basketball career matapos maging susi sa pagkuha ng kampeonato at bitbitin ang kanyang alma-mater na St. Vincent- St. Mary’s high school sa dalawang magkasunod na panalo.

Nagtala rin ng average na 21 points, 6.2 rebounds si King James sa kanyang unang taon sa nasabing school at paangat na 25.2 points, 7.2 rebounds, 6.8 assists at 3.8 steals naman sa sumunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?