109

LeBron na-strain ang leeg sa Game 2 vs Celtics

Sharing is caring!

Nagtamo ng strained neck si LeBron James pero nagpatuloy pa rin sa paglalaro sa Cleveland Cavaliers sa Game 2 ng Eastern Conference finals laban sa Boston Celtics.

Pansamantalang ginamot muna si James sa locker room, may 3:48 ang natitira sa second quarter.

Natamaan kasi ng kaliwang balikat ni Jayson Tatum ang mukha at panga niya habang pa-drive sa basket.

May naitala na noon si James na 24 points, 4 rebounds at 4 assists.

Pinalitan muna si James ni Cavs forward Jeff Green habang ginagamot ang na-strain nitong leeg.

Nakabalik naman agad si LeBron, may 1:57 pa ang nalalabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?