513

Nov 23, 2021 @ 17:16
By

LeBron ‘na-first time’ kay Stewart

Sa unang pagkakataon sa 19-taon niya sa NBA ay napatawan ng one game suspension si Los Angeles Lakers superstar LeBron James, matapos niyang tamaan si Detroit Pistons center Isaiah Stewart noong Lunes (oras sa Pilipinas).

Pinatawan si James ng isang larong suspensyon – unang beses sa kanyang karera – habang dalawang laro namang masususpinde si Stewart.

Naganap ang gulo sa third quarter kung saan nagkabuhol ang dalawa sa isang rebound play at biglang winasiwas nang bahagya ni James ang kanyang kamay na tumama sa kilay ni Stewart.

Duguan ang Detroit center at ilang beses na tinangkang atakihin si James, ngunit nanaig ang mga umaawat sa kanya.

Dahil sa suspensyon, kaltas ng $284,000 ang sweldo ni James, habang $45,000 naman ang mawawala sa sahod ni Stewart.

Sa kabila nito, inaasahang magkikitang muli ang dalawa sa laban ng Lakers at Pistons sa Lunes (oras sa Pilipinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?