457
LeBron may partner na: Davis biyahe na pa-Lakers!
Jun 16, 2019 @ 9:41
By

LeBron may partner na: Davis biyahe na pa-Lakers!

Natuloy na rin ang trade na matagal niluto ng Los Angeles Lakers.

Ayon sa report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, pumayag na ang New Orleans Pelicans para ibigay ang kanilang star player na si Anthony Davis para sa bulto ng mga young prospect.

Kasama sa bibitawan ng Lakers ay sina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Josh Hart.

Bukod pa dito, bibigay din ng LA ang tatlo nilang first round draft picks, kasama na ang 4th overall ngayong taon.

Sa nangyaring trade, magkakaroon na ng kasamang All-Star si four-time league MVP LeBron James para iahon ang Lakers sa 10th place finish noong nakaraang season.

Ilang buwan sinuyo ng Lakers ang Pelicans para matuloy ang trade, ngunit napurnada na naging dahilan para magkaroon ng lamat ang dalawang koponan sa isa’t isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?