37

Dec 1, 2017 @ 13:45

LeBron may double-double sa 10th straight win ng Cavs

Nagtala ng ng double-double si LeBron para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa kanilang 10 sunod na panalo matapos pabagsakin ang Atlanta Hawks kanina.

Dalawang araw matapos makuha ang kanyang unang ejection sa NBA, naging mahinahon naman si James para makuha ang 121-114 victory laban sa Hawks.

Umusad ang Cleveland 15-7 sa Eastern Conference standings habang sumadsad naman sa 4-17 ang Atlanta.

Nagtapos si James ng 24 points, six rebound at 12 assists habang ang teamate na si Kevin Love ay may double-double din na 25 points at 16 rebounds.

Nag-ambag na 19 points si Dwayne Wade at 15 naman si Jae Crowder.

Nanguna naman sa Atlanta si Dennis Schrodersa kanyang 27 points habang si Ersan Ilyasova ay nagsalansan ng 22 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?