35
lebron-james

LeBron may 45 sa panalo ng Cavs vs Pacers; pasok na sa semis

Sharing is caring!

Kumana si LeBron James ng 45 puntos para manatiling walang talo sa opening round ng NBA playoffs, tungo sa 105-101 na panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Indiana Pacers kanina.

Nanatiling 13-0 si James sa first round at panatilihing buhay ang Cleveland ngayong season.

Sunod na kakaharapin ng Cavs sa conference semifinals sa Martes (Miyerkules sa Pilipinas) ang top-seed Toronto.

Naglaro ng 43 minutos si James subalit ipinahinga sa third quarter nang makaranas ng paninigas ng kanyang muscle sa binti.

Nag-ambag si Tristan Thompson ng 15 puntos at 10 rebounds. May apat na 3-pointers si Kevin Love habang si George Hill, bumalik sa laro matapos ang tatlong larong pagliban dahil sa back spasm, ay nag-ayuda ng 11 puntos sa 19 minutong paglalaro.

Nanguna naman sa Pacers si Victor Oldapio na may 30 puntos hasbang may 23 naman si Darren Collision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?