46

Dec 7, 2017 @ 13:24

LeBron, lumagare ulit sa panalo ng Cavs vs Kings

Lumagare na naman ng 32 points si LeBron James sa pagtalo ng Cleveland Cavaliers sa Sacramento Kings 101-95, Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Pinas) para sa ika-13 sunod na panalo.

Bunga nito’y napantayan nila ang franchise record para sa longest winning streaks, noong Enero at Pebrero ng 2010.

May tulong na 18 points at 13 rebounds si Kevin Love habang may 17 off the bench points si Jeff Green at panahog na 15 si Kyle Korver.

Sa 18th consecutive game ay may 100 points nang nagawa ang Cavs.

Lumamang ng halos 14 sa third quarter ang Kings at nauuna pa rin sa 3:18 na nalalabi sa orasan, 95-93.

Pero sa 1:35 minuto ay nagawa ni James na maka-hook shot at sa isang iglap ay lamang na ang Cavs, 97-95.

Pumukol pa ng panapos na 3-pointer sa 15.8 segundong nalalabi si King James matapos makakuha ng espasyo para tumira.

Si James ay tinanghal na Eastern Conference player of the week, at nagtala rin ng 11 rebounds at nine assists.

Leading scorer naman na may 18 points at 10 rebounds para sa Kings si Zach Randolph.

Mababa naman ang produksiyon ni Dwyane Wade para sa Cavs na tumapos lang na may four points, six assists at three rebounds.

Sunod na kalaban ng Cleveland ang Indiana Pacers sa Biyernes (Sabado, PH time).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?