220

Jan 14, 2021 @ 15:33
By

LeBron lang malakas! Harden, Durant, Irving walang binatbat sa Lakers

Ginulantang ng Brooklyn Nets ang mga tagsubaybay ng NBA matapos nilang mabuo ang posibleng pinakamalakas na Big Three sa papel.

Nasungkit ng Nets si 2018 NBA MVP James Harden matapos siyang bitawan ng Houston Rockets kapalit sina Victor Oladipo, Rodions Kurucs, Dante Exum at four first round picks.

Kasali din sa trade ang Indiana Pacers, na nahatak naman si Caris Levert at 2023 second round pick; pati na rin ang Cleveland Cavaliers na napitas sina Jarrett Allen at Taurean Prince.

Halo-halo ang reaksyon ng NBA world sa nasabing trade, isa sa nagbigay ng opinyon ay ang Hall of Famer na si Magic Johnson.

Ayon kay Johnson, na dating president of basketball operations ng Lakers, siguradong naging ispesyal ang Nets sa pagsasama nina Harden, Kyrie Irving at Kevin Durant.

“James Harden getting traded to the Brooklyn Nets to join KD and Kyrie will be special to watch…” sey ni Johnson.

Ngunit may kambyo ito na sinabing Lakers pa rin nina LeBron James at Anthony Davis ang magiging champion ngayong season.

“But I’m still picking the @Lakers to win the Championship.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?