lebron-james
By

LeBron lalong umangas sa edad na 33

Sharing is caring!

Si LeBron James pa rin ang “undisputed king” ng NBA.

Sa kabila kasi na wala na sa tabi niya si Kyrie Irving at pagkabagabag ng Cleveland dahil sa injury, nagawa pa ring balikatin ni James ang koponan.

Ang sikreto umano ni “King James” ay ang milyong dolyar na pinuhunan niya sa kanyang katawan at ang pagkakaroon ng tamang work ethic.

Sa edad na 33, hindi lumalamlam ang laro ni James, nanatili siyang best all-around player.

“It doesn’t seem like he gets old,” ani Philadelphia 76ers coach Brett Brown patungkol kay James. “He just doesn’t go away.”

Nag-a-average si LeBron ng 27.5 points, 9.1 assists at 8.6 rebounds at marami na siyang naitala sa kasaysayan ng NBA.

Sa tikas at lakas ni James, malamang madagdagan pa ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?