19

Nov 26, 2018 @ 13:39
By

LeBron, Lakers hindi umubra sa Magic

Sa ikalawang pagkakataon, nawalis muli ng Orlando Magic ang Los Angeles Lakers, 108-104, Linggo ng gabi (Lunes sa Pinas).

Nagtulong sina Nikola Vucevic at Terrence Ross para pahiyain ang koponan ni LeBron James.

Bumuhos ng 31 points, 15 rebounds at seven assists si Vucevic habang si Ross ang nagselyo ng panalo ng Magic sa pamamagitan ng kanyang go-ahead lay-up, may 34 segundo sa laro.

Umiskor ng 16 points si Ross para sa Magic.

Bumuwelta ng lay-up si Ross matapos ang mintis sa 3-pointer ni James at nabasag ang tablahan sa 104-104.

Sa posesyon ulit ng LA, kabyos din ang pukol sa tres ni Kentavious Caldwell-Pope na sinuklian naman ng dunk ni Aaron Gordon sa panig ng Orlando.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?