11

Jul 24, 2020 @ 11:38
By

LeBron, LA lunod sa 8 tres ni Seth

Bigay todo sina Luka Doncic at Seth Curry sa exhibition game kaya naman inakbayan nila ang Dallas Mavericks sa 108-104 panalo laban sa Los Angeles Lakers kahapon sa NBA Bubble scrimmage.

Tumikada si Curry ng 23 points mula sa perfect 8-for-8 shooting sa loob ng 15 minutong paglalaro habang nagtala si Dallas star Doncic ng 14 points, anim na assists at limang rebounds.

“I was getting good shots,” hayag ni Curry. “Nothing too crazy. Guys were finding me, setting good screens. The background is a good sight line from pretty much every angle, and it’s not too deep of a depth perception, so that felt good.”

Hindi naman pinuwersa ng Lakers ang kanilang dalawang superstars na sina LeBron James at Anthony Davis, limitado ang kanilang oras.

Pero nakapagtala pa rin si four-time Most Valuable Player (MVP) ng 12 puntos, limang assists at tatlong rebounds habang si Davis ay may naambag na 12 puntos at dalawang steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?