51

Dec 29, 2019 @ 18:31
By

LeBron, Kuzma, Davis tinumba ang Portland

Umaga ng Sabado ay kuwestiyonable si LeBron James kung makakalaro kontra Portland.

Kinagabihan, nag-uniporme si LeBron at nagsumite ng 21 points, 16 assists para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 128-120 panalo laban sa Trail Blazers.

Tumabo si Kyle Kuzma ng 24 points para pangunahan ang Lakers reserves na nag-ambag ng 72 points. Naka-39 points lang ang counterparts nila sa Portland.

Umayuda si Anthony Davis ng 20 points at 9 rebounds sa LA, bumawi mula sa Christmas Day loss nila sa co-tenants sa Staples Center na Clippers.

Nawalan ng saysay ang game-high 31 points ni Damian Lillard sa Blazers.

May 19 points at 16 rebounds si Hassan Whiteside.

May 20 points na sa first half si Kuzma, 11 dito sa second quarter nang umagwat ang Lakers 71-64 sa break.

Inumpisahan ng Portland ang second half sa 5-0 spurt pero madaling nakabawi ang LA. Dalawang beses binatuhan ni James si Davis ng full-court passes na nagresulta sa Lakers baskets.

May 9 points si Davis sa third at assist sa 3-pointer ni Kentavious Caldwell-Pope 0.1 seconds na lang tungo sa 103-95 lead pagkatapos ng three.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?