By

LeBron, Kevin at JR kanya-kanyang pabida

Sharing is caring!

Na-strike three ng Cleveland ang Toronto sa playoffs, tatlong sunod na seasons nang sinisipa ng Cavaliers ang Raptors sa postseason.

Pagkatapos ng pangalawang 4-0 sweep nitong Lunes, kanya-kanyang milestones naman ang nilista ng Big Three ng Cavs.

Wala pang talo ang Cavs sa 10 salang sa Game 4 closeouts, ibinulsa ang pang-15 sunod na panalo sa second round sapul noong 2015 playoffs.

Bago ang Game 4, nakatipon na si LeBron James ng 348 points sa playoffs, pinakamarami sa 10 laro kasunod ni Michael Jordan (354) noong 1992. May 29 points si James sa 128-93 win.

Naging pang-apat na player ng Cleveland si Kevin Love na nakakapagbaba ng 500 career playoff rebounds, sinamahan sina James, Tristan Thompson at Zydrunas Ilgauskas.

Naging pang-siyam na player sa kasaysayan ng NBA si JR Smith na may pinakamaraming 3-point baskets made, sa 268 ay nilagpasan sa 10th si Chauncey Billups (267). Nasa unahan nila sina Ray Allen (385), James (346), Stephen Curry (326), Manu Ginobili (324), Reggie Miller (320), Kobe Bryant (292), Derek Fisher (285) at Paul Pierce (276). (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?