16

Jun 4, 2021 @ 15:50
By

LeBron kay Booker: Galingan mo pa!

Hindi nagdamdam si LA Lakers superstar LeBron James sa kanyang kauna-unahang talo sa first round series ng playoffs.

Matapos ang 113-100 loss ng Lakers kontra Phoenix Suns, binigay ni LeBron ang kanyang jersey kay Devin Booker, na umiskor ng 47 puntos sa Game 6.

Mensahe ni LeBron sa pirmadong jersey, “Continue to be great.”

Haharapin ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets sa second round ng Western Conference playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?