lebron-james

LeBron, kakasuhan sa ‘ninakaw’ na barbershop show

Sharing is caring!

Magnanakaw umano si Cleveland Cavaliers star LeBron James.

Iyan ang isinisigaw ng isang barbershop sa tangka nitong pagdedemanda sa NBA player.

Ninakaw umano ni James ang idea nila para sa isang TV show.

Ayon sa demanda ng Adventure Enterprises, na nakuha ng TMZ Sports, tinutukoy nito ang TV show ni LeBron na “Shop Talk”.

Ang backdrop o setting ng show ay barbershop kung saan ibinabahagi ng ilang celebs ang mga tagumpay nito sa pagnenegosyo habang ginugupitan sila.

Sinabi ng kumpanya na ilang beses silang nakipag-usap hinggil sa naturang idea ng show sa kumpanya ni LeBron sa loob ng dalawang taon.

Nakapaloob sa reklamong isinampa, na bigla na lang tinanggal sa eksena ni LeBron ang Adventure Enterprises at gumawa ng sarili niyang show na tinawag na “The Shop” kung saan bida si King James sa barbershop habang nakikipagkuwentuhan na umere sa webisode.

Bunga nito, kinompronta ng Adventure Enterprises ang mga tauhan ni LeBron pero humingi lang ang mga ito ng paumanhin at sinabing hindi na mauulit pa ang kagayang show.

Pero nangyari ulit ito sa isang segment na lumabas sa ESPN.

Kaya ngayon, target ng Adventure Enterprises sa reklamo na pagbawalan na si LeBron at kumpanya nito na gumawa pa ulit ng naturang episodes. At habol din nila ang pera bilang danyos.

Kasama sa kakasuhan ang business partner ni LeBron na si Maverick Carter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?