115

Nov 4, 2017 @ 13:34

LeBron James umukit ng NBA history, pinakabatang nagtala ng 29,000 career points

Naitala ni LeBron James ang kanyang second-highest total points sa kanyang career at kanyang NBA-best ngayong season matapos magpakawala ng 57 points at kawawain ang Washington Wizards, Biyernes ng gabi (Sabado ng umaga, Manila time).

Sa report ng Associated Press, sinabi ni James na ramdam niya na papasok ang bawat tira niya.

“Every shot that I took. I felt like it was going in,” anang four-time league MVP.

Inakay ni ‘King James’ ang mga kakampi upang wakasan ang four-game losing skid ng Cleveland Cavaliers at padapain ang Wizards 130-122.

Ngayon lang naka-iskor muli si James ng ‘higante’, huli ay ang career-high niyang 61 points nu’ng nasa Miami Heat pa siya ng taong 2014 laban sa Charlotte Hornets.

Ayon naman sa ESPN Stats & Information, sa loob ng 32 taon, si James ang pinakabatang player sa history ng NBA na nakapagtala ng 29,000 career points matapos magbuslo ng 29,049. Ito ang 11th career 50-point game ni James, tumabla kay Allen Iverson sa sixth-most sa NBA history.

Kumamada si James ng 23 sa 34 field-goals at siyam na free throws, 11 rebounds at pitong assists.

Nag-ambag din para sa Cavaliers sina Derrick Rose ng 20 points at Jae Crowder ng 17, na parehong season highs ng dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?