49

May 20, 2020 @ 11:55
By

LeBron James tinawag na “black Jesus” si Michael Jordan

“Black Jesus”, ganito inilarawan ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James si NBA legend Michael Jordan nang magtapat ang dalawang basketball icons noong 2001 sa Hoops the Gym sa Chicago.

Sa panayam ni James sa YouTube channel na Uninterrupted, ibinahagi nito ang kanyang experience nang makaharap sa isang pickup game si Jordan.

Sey ni James para sa former Chicago Bulls’ superstar, “The dude looked like Jesus Christ to me. He was black Jesus to me,”

Matapos naman ang dalawang taon ng kanilang pagtatagpo, muli namang nag-krus ang landas nina James at Jordan sa basketball court nang maging mag-teammates ang mga ito sa annual summer camp ni Jordan sa UC Santa Barbara.

“We used to play around 9 p.m. The camp would end … and we would stay along with the college kids that he would invite,” saad ni James. “We would get a good-ass run in for about an hour, an hour [and] 15. I was on the same team with MJ, and we didn’t lose a game.”

Nitong Lunes (Manila time), nagwakas ang “The Last Dance” ESPN 10-episode documentary ni 6-time NBA champion Jordan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?