40
ABANTE curry lebron captains alll star nba
Jan 19, 2018 @ 11:45

LeBron James, Stephen Curry captains sa NBA All-Star Game

Nanguna sina Cleveland Cavaliers forward LeBron James at Golden State Warriors guard Stephen Curry sa All-Star voting sa kani-kanilang conferences at magiging captains sa All-Star Game na gaganapin sa susunod na buwan.

Bahagi din ng starters ng Eastern Conference sina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee, Joel Embiid ng Philadelphia, Kyrie Irving ng Boston at DeMar DeRozan ng Toronto.

Makakasama naman ni Curry sa Western Conference sina James Harden ng Houston, Kevin Durant ng Golden State, at sina Anthony Davis at DeMarcus Cousins ng New Orleans.

Ang mga starters ay napili batay sa resulta ng boto ng mga fans, players at piling miyembro ng media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?