55

By

LeBron James, nakipag-deal na sa Lakers

Sharing is caring!

Pumayag na si LeBron James sa four-year, $154 million deal sa Lakers.

Dadalhin na ni James ang kanyang talento sa Los Angeles, ayon sa report ng Klutch Sports.

Ito na ang pinakamatagal na kontrata na pinirmahan ni James mula nang pumayag siya sa six-year deal sa Heat noong 2010.

Sa sumunod niyang mga deal matapos nito ay puro tig-tatlong taon na lang.

Ikalawang pagkakataon din itong iiwan ni James ang kanyang hometown team.

Nag-average ang 33-anyos na si James ng 27.5 points per game noong nakaraang season at pinangunahan ang Cleveland Cavaliers sa NBA Finals pero natalo sa Golden State Warriors sa apat na laro.

Ang malaki umanong cap space ng Lakers ang dahilan ng paglipat ni LeBron. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?