lebron-james6
By

LeBron James, Kyle Korver maningning sa Class 2003

Sharing is caring!

Ibang klase ang Class of 2003 ng NBA, makalipas ang 15 taon ay naghaharing-uri ang pinakamaangas sa batch na si LeBron James.

Idagdag sa listahan si Kyle Korver na isa sa maaasahang side kick ni LeBron sa Cleveland.

“There’s not many of us ’03 class guys still around,” pahayag ni James.

Matindi pa rin ang pulso ni Korver sa edad 37, isa siya sa pinakamatalas na sharpshooters sa NBA.

Malaking tulong siya kay James kaya naibuhol ng Cavaliers sa 2-2 ang Eastern Conference finals nila ng Boston.

Sa tinuhog ng Cavs na panalo sa Games 3 at 4, 12 for 19 sina Korver at JR Smith sa 3-point line.

Sa 111-102 win noong Game 4, nasa lahat ng sulok ng court si Korver, dina-dive ang loose balls at tatlong beses nambutata.

Inaasahan na niyang sasakit ang katawan pagkatapos, pero hindi maglulubay sa paghabol sa unang championship ring pagkatapos ng 124 playoff games sa limang team sa buong 15-year career.

Second round pick ng New Jersey Nets noong 2003 si Korver, pero agad pinamigay sa Philadelphia 76ers at nakasama ang alamat ding si Allen Iverson. Naglaro rin siya sa Chicago Bulls, Utah Jazz at Atlanta Hawks bago tumawid ng Cleveland noong 2017.

“I feel like we’re just cut from a different cloth because we’ve been around for too long,” dagdag ni James, 33, sa kanilang batch ni Korver.

“We have this work ethic and you see him every day putting the work, putting his mind, his body into it. It’s not about the age.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?