1,694

Nov 19, 2018 @ 11:01
By

LeBron James kay Carmelo Anthony sa Lakers: Wala akong alam!

Nagsalita na si Lakers superstar LeBron James sa mga haka-hakang pagkuha ng Lakers kay Carmelo Anthony.

Matapos na makasampung laro lamang, binitiwan ng Houston Rockets si Anthony.

Sa interview kay LeBron James matapos ang pagkatalo kontra Orlando Magic sa score na 130-117, tinanong si James sa posibleng pagsali ni Anthony sa Lakers.

“I have no idea to be honest,” ani LeBron.

“That’s not a question to ask me. Right now, we have 15 roster spots, right? We don’t even have a roster spot open right now so that’s not a question for myself,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay NBA Front Office Insider for ESPN Bobby Marks, kagaya ng ibang free agent na pumirma nitong bakasyon, sa December 15 pa ang trade restriction nito.

Mayroon pang halos isang buwan si Anthony bago makipag-deal sa ibang team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?