130

Jan 27, 2019 @ 12:22
By

LeBron James, balik practice na kasama ang Lakers

Balik full contact practice na si Los Angeles Lakers superstar Lebron James pagkatapos ng isang buwan na pahinga dahil sa kanyang groin injury.

Ngunit, hindi parin makakapaglaro si four-time MVP James sa laban ng Lakers kontra sa Phoenix Suns sa Lunes (Manila time).

Ayon kay Lakers’ head coach Luke Walton, “It was the first time he’s been out there in the part of practice that involved that type of movement. He looked good. He’s still really good at basketball, in case you guys are wondering.”

Nakakapagtala si James ng 27.3 points at 8.3 rebounds per game para sa kanyang kupunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?