cavs-raptors
By

LeBron itinarak ang winning basket vs Raptors

Sharing is caring!

Ibinuslo ni LeBron James ang running one-hander kasabay ng pagtunog ng buzzer para ihatid ang Cleveland Cavaliers sa 105-103 win kontra Toronto Sabado ng gabi (Linggo sa Pilipinas) sa Game 3.

Bago ito, naitabla ni Toronto rookie OG Anunoby sa pamamagitan ng 3-pointer, walong segundo na lang natitira sa laban.

Sa sumunod na play, napunta kay James ang inbound pass, nag-dribble sa kaliwa, tumira ng jumper para sa winning basket kasabay ng pagtunog ng buzzer.

“Tie game, down one,” sambit ni. “I live for those moments.”

Nagtapos si James ng 38 puntos, may 21 puntos at 16 rebounds si Kevin Love habang nag-ambag si Kyle Corver ng 18 puntos para sa Cavs, na nanalo ng siyam na sunod na postseason games kontra Raptors.

May pagkakataon si James at Cavs na ma-sweep ang Raptors sa susunod na laban sa Lunes (Martes sa Pilipinas).

Iyon ang ikalimang career postseason buzzer-beater ni James, pangalawa ngayong season, at isa marahil sa pinakamahirap ng tira niya sa end game.

“It is very difficult,” pag-amin ni James, sabay ngiti. “Don’t try it at home.”

Nanguna sa Toronto si Kyle Lowery sa kanyang 27 puntos habang inalat naman ang kanyang partner na si DeMar DeRoza na nagkasya lamang sa walong puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?