41

Jun 14, 2020 @ 17:41

LeBron hipokrito – Joshua Wong

Tinawag na mapagkunwari ni Hong Kong democracy activist Joshua Wong si NBA superstar LeBron James sa pagsasagawa ng isang grupo na susuporta sa black voting rights sa Estados Unidos.

Sa isang tweet ni Wong kahapon, ipinunto niya: “Defending democracy is vital, but @KingJames (LeBron James) only talks loud in the US. On China, not only is he silent, he actively shuts others up.”

Binatikos noong isang nakaraang taon ang Los Angeles Lakers superstar nang ihayag na “misinformed” ang pagsuporta ni basketball executive Daryl Morey sa Hong Kong sa hidwaan nito sa China.

“He called @dmorey ‘misinformed’ and ‘not really educated’ for supporting #HongKong. All he cares about is money, not human rights. Hypocritical.” Maanghang pang hirit ni Wong sa Twitter.

Patuloy pa rin ang mga pagprotesta sa dating Crown Colony para ipaglaban ang kanilang bansa habang kasabayan din ang Black Lives Matter protest sa iba’t ibang sulok ng mundo, lalo na sa USA. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?