43

Jan 18, 2020 @ 20:56
By

LeBron hari rin ng mga jersey

Bumebenta ang mga jersey nina Giannis Antetokounmpo ng Bucks, Jayson Tatum ng Celtics at Luka Doncic ng Mavericks.

Pero ayon sa NBA nitong Biyernes, bestseller pa rin ang jersey ni LeBron James.

Kaya ang Los Angeles Lakers, nasa unahan ng team rankings sa mga nabibiling jersey sa NBA.com nitong October-December.

No. 2 ang jersey ni Antetokounmpo sa sales list, kasunod ang kay Stephen Curry ng Warriors. Umaariba sina Tatum, James Harden ng Rockets at Doncic.

Nakumpleto ang top 10 kina Kawhi Leonard ng Clippers at Anthony Davis ng Lakers sa seventh-eighth, at ang kina Joel Embiid ng 76ers at Kyrie Irving ng Nets.

Nasa No. 15 si Pelicans rookie Zion Williamson. Hindi pa naglalaro ang No. 1 overall pick ng 2019 draft dahil sa knee injury, bagama’t sa timetable ng New Orleans ay posibleng mag-debut na siya sa Miyerkoles kontra San Antonio.

Pangalawa ang Boston sa team merchandise sa likod ng Lakers, third ang Philadelphia, sunod ang NBA champion Toronto at Milwaukee.

Ang iba pa sa top 10 ng team merchandise: Golden State, Houston, Chicago, Miami at Brooklyn na ngayon lang sumampa sa top 10 sapul noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?