62

Jan 4, 2019 @ 15:38
By ,

LeBron, Giannis nanguna sa early All-Star vote

Namayagpag sa early fan voting para sa NBA All-Star Game si four-time MVP at Los Angeles Lakers star LeBron James.

Bukod kay James kasama sa top contenders sa Western Conference sina Dallas Mavericks rookie Luka Doncic, Minnesota Timberwolves guard Derrick Rose at Golden State Warriors teammates Stephen Curry at Kevin Durant.

Sa Eastern Conference naman, sumunod kay James si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo sa unang resulta ng fan vote.

Kasama ni Antetokounmpo sa Eastern Conference si Toronto Raptors star Kawhi Leonard, Philadelphia 76ers big man Joel Embiid, Miami Heat guard Dwyane Wade at Boston Celtics guard Kyrie Irving.

Kabuuang 50 percent ang bitbit ng fan vote na nagbukas noong Disyembre 25 para makilala ang 10 All-Star starters.

Lahat ng kasalukuyang NBA players at ilang miyembro ng basketball media ay may 25 percent boto at bawat mamboboto ay kailangang kumpletuhin ang balota na may dalawang guard at tatlong front court players mula sa parehong conference.

Parehong format ng drafting teams ang gagamitin at ang makakakuha ng pinakamataas na boto ang magsisilbing kapitan ng bawat koponan.

Bawat captain ay magda-draft ng kanyang lineup mula sa mga manlalaro na naboto bilang starters at reserves sa bawat conference at malayang makakapili ang mga captain ng mga manlalaro para sa kanilang koponan.

Isasapubliko ang draft ng team captain ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?