41

LeBron, gagawa ng YouTube docu

Sharing is caring!

Gagawa si LeBron James ng isang YouTube documentary series kung saan susundan nito ang mga buhay ng mga estudyante ng high school na may pangarap na maging sikat na basketball player.

Ito ang sinabi ng Google-owned video service sa AFP News.

Magiging isa umano sa executive producers si Cleveland Cavaliers James sa walong episode na “Best Shot”.

Katatampukan ito ni dating NBA star Jay Williams, na natapos ang career nang maaksidente sa motorsiklo taong 2003.

Direktor nito si Michael John Warren na nakilala sa “Fearless” .

Kasama ni “King James” bilang executive producer ng “Best Shot” ang kaibigan nitong negosyante na si Maverick Carter na magsisimula sa 2018.

Isa itong orihinal na palabas para sa mga subscribers ng YouTube Red.

Ang YouTube Red ay available sa United States, Australia, Mexico, New Zealand at South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?