4

Oct 28, 2020 @ 15:18

LeBron gagawa ng dokyu sa mga black

KATULONG ang CNN, gagawa ng isang dokumentaryo ang 2020 NBA Finals MVP na si LeBon James patungkol sa 1921 Tulsa Race Massacre.

Ang proyektong ito ng four-time NBA champ ay may titulong, “Dreamland : The Rise and Fall of Black Wall Street.”

Nais ni James na makapagbigay pag-asa sa naturang dokumentaryo at mapahalagaan ang buhay ng mga black sa Amerika.

Ayon sa content officer ng kompanya ni James, “we cannot move forward until we acknowledge our past and this is about honoring a prosperous, booming Black community, one of many, that was brought to an end because of hate.” (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?