49

LeBron first time na-eject sa NBA

Sharing is caring!

Sa unang pagkakataon sa kanyang NBA career, napatalsik sa laro si Lebron James subalit nagawang manalo ng Cleveland Cavaliers kontra Miami Heat.

Nagpuyos sa galit si James dahil sa kawalan ng tawag sa tuwing magda-drive siya sa basket dahilan para sigawan niya si referee Kane Fitzgerald.

Agad namang pinituhan ni Fitzgerald ang NBA superstar para sa isang technical foul, 1:59 ang natitira sa third.

Iyon ang unang beses na napatalsik sa laro si James sa kanyang 1,082 career regular-season games.

Lamang ang Cavs, 93-70 na ma-eject si James subalit hindi iyon dahilan para padapain ang Heat para sa kanilang siyam na sunod na panalo ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?