275

Nov 23, 2021 @ 16:22
By

LeBron, Davis ‘sumakit tiyan’ kay Kuzma

Binulabog ni Kyle Kuzma ang Twitter world ngayong Martes.

Ito’y matapos niyang rumampa sa Capital One Arena habang suot ang higanteng pink sweater bago ang laban nila sa Charlotte Hornets, Lunes ng gabi.

Ipinost ng Washington Wizards forward ang litrato niya suot ang Raf Simons oversized-sleeve jumper sa kanyang Instagram.

Sa comment section, tinukso si Kuzma ng mga dati niyang teammate kabilang na sina LeBron James at Anthony Davis.

“You’re outta line sir!!!!” react ni Davis na may kasama pang mga laughing emoji.

“Ain’t no f*****g way you wore that!!! I’m not pressing the like button cause this is outrageous Kuz!” komento naman ni King James.

Ilan pang player na napa-comment sina DeMarcus Cousins at JR Smith.

Maging ang mga netizen ay hindi kinaya ang outfit ni Kuzma.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?