38

May 18, 2021 @ 11:40
By

LeBron: Curry deserve mag-MVP

Kung ang four-time MVP na si LeBron James ang tatanungin, ang kanyang karibal na si Stephen Curry ng Golden State ang nararapat na magwagi ng regular season MVP award ngayong taon.

“I mean, just look at what he’s done this year. I don’t know anything else if you’re looking for an MVP. If Steph is not on Golden State’s team, what are we looking at?” pahayag ni James.

“We get caught up in the records sometimes,” dagdag pa ng forward ng LA Lakers. “We get caught up in the, ‘OK, who has the best record,’ instead of just saying who had the best season that year. And Steph has had, in my opinion, the best season all year.”

Si Curry ang itinanghal na NBA scoring champion ngayong season matapos mag-average ng 32 points kada laro. Sa buwan ng Mayo lamang ay naga-average ang two-time MVP ng 36.8 points kada laro.

Ngayong season din naitala ni Curry ang kanyang career-high na 62 points.

Higit sa lahat, nadala ni Curry ang Golden State sa ikawalong puwesto sa West kahit wala ang partner nitong si Klay Thompson.

Muling maghaharap sina James at Curry sa play-in tournament para sa ika-pitong puwesto sa kanilang kumperensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?