45

Mar 12, 2018 @ 14:23

Lebron, Cavs dapa sa Lakers

Umiskor si Julius Randle ng career-high 36 points, 14 rebounds at pitong assists at pinahiya ang bumibisitang si Lebron James at Cleveland Cavaliers 127-113 Linggo ng gabi.

Nag-ambag ng 20 points, nine assists at five rebounds si Isaiah Thomas laban sa dati niyang teammates.

Matapos manila ng anim sa walong laro umakyat sa 30-36 ang Los Angeles at pigilin ang pitong sunod na talo sa Cleveland.

Namuno sa Cavs si James sa kanyang 24 points, 10 rebounds at pitong assists na natalo na apat sa anim na laro sumubsob sa dalawang Staples Center sa Clippers at Lakers.

No-match ang Cavs kay Randle na nakapagtala ng kanyang pinaka-impresibong laro sa kanyang NBA career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?