61

Dec 15, 2017 @ 13:39

LeBron binuhay ang Cavs sa malamyang laro, tagumpay sa Lakers

Nagsilbing puwersa ang triple-double ni LeBron James para sa malamyang umpisa sa laro ng Cleveland Cavaliers at makabalikwas sa Los Angeles Lakers, 121-112, nitong Huwebes (Biyernes, PH time).

Nanguna sa tirada ng Cavs (21-8) si Kevin Love sa 28 points ngunit si King James pa rin ang bumuhay sa team sa pamamagitan ng kanyang 59th career triple-double, na tumabla sa marka ni Larry Bird, sa pagtala ng 25 points, 12 assists at 12 rebounds.

Maagang umatake ang Lakers at nakalamang sa Cleveland ng siyam na puntos sa second quarter ngunit sinagot ito ng 14-4 run ng Cavs pagkatapos. Bunga nito’y nabaligtad ang senaryo at lamang na ang Cavs sa halftime, 63-60.

Palaban naman ang Lakers na mula sa 11 na kalamangan ng Cavs ay naibaba nila ito sa lima sa 4th quarter subalit hindi pumayag si James na makalapit ang kalaban kaya’t bumulusok hanggang sa huli.

Sa panig ng Los Angeles (10-17), bumida ulit si Brandon Ingram sa 26 points, nagdagdag si Kyle Kuzma ng 20 off the bench at may 13 points, 11 assists at eight rebounds si Lonzo Ball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?