37

By

LeBron binira ang Houston GM

Sa unang pagkakataon, nagsalita si LeBron James sa kontrobersiya na nilikha ng na-delete nang tweet ni Houston Rockets general manager Daryl Morey.

Nagkomento ang superstar pagbalik na ng Los Angeles tapos ang two-game preseason series ng Lakers at Brooklyn Nets sa China.

Nasa Tokyo si Morey kasama ng Rockets, nag-tweet ito ng suporta sa hinihinging kasarinlan ng Hong Kong mula China.

Umpisa pa lang ay nilinaw ni LeBron may freedom of speech ang bawat isa.

“But at times, there are ramifications for the negative that can happen when you’re not thinking about others, when you only think about yourself,” aniya.

Resulta ng tweet ni Morey, hindi ipinalabas ang Nets-Lakers games. Kinansela pa ang media availability nina NBA commissioner Adam Silver at ng dalawang teams.

Tingin ng Lakers star, ‘di napag-aralan ni Morey ang sitwasyon. Naniniwala siyang misinformed ang Rockets official.

“I don’t want to get into a word or sentence feud with Daryl Morey, but I believe he wasn’t educated on the situation at hand, and he spoke,” dagdag ni LeBron. “So just be careful what we tweet and what we say and what we do. Even though, yes, we do have freedom of speech, it can be a lot of negative that comes with it.”

‘Di naglaro si James nang i-host ng Lakers ang Golden State Warriors sa Staples Center Lunes ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?