30

Jan 16, 2021 @ 15:11
By

LeBron ‘banas’ sa Big Three ng Brooklyn

Dati na ring naging parte ng ‘Big Three’ si LeBron James para masungkit ang kanyang unang kampeonato sa Miami Heat.

Ngunit ang binuong superteam ng Nets na marahil ang pinakamalakas na ‘Big Three’ sa katauhan nina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden.

Sa social media, isang Youtuber na si Mark Phillips ang nag-spoof kay LeBron kung saan pinakita nito ang posibleng naging reaksyon ni ‘King James’ nang malaman ang trade kay Harden sa Brooklyn.

Sa nasabing skit, nagkunwaring LeBron si Phillips kung saan nagwawala ito sa court, namamato ng bola, at inudyukan ang kanyang mga teammate na mag-ensayo pa ng dalawang oras.

Napansin ng Lakers superstar ang naturang video kung saan napatawa siya sa paghuhuramentado Youtuber habang ginagaya siya.

“IM 36!!!!! IM 36!!!! STOP THROWING THE BALL,” sey ni LeBron kung saan inulit niya ang sinambit ng Youtuber na may angry at nakatawang emoji pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?