19

Jun 10, 2021 @ 9:26
By

LeBron balik sa jersey number 6

Balak kayang ibalik ni LeBron James ang mahika ng kanyang numero noong magwagi siya ng back-to-back championship sa Miami Heat?

Ito’y matapos kumpirmahin ng ilang sports media outlet na muling isusuot ni LeBron ang jersey number 6 sa susunod na season.

Ang naturang numero ay ginamit ni LeBron sa Heat dahil niretiro na ang kanyang unang gamit na No. 23 dahil kay Michael Jordan.

Ang No. 6 din ang ginagamit ni LeBron tuwing maglalaro siya sa Team USA.

Dati nang plinano ni LeBron na bumalik sa No. 6 noong bagong lipat pa lang siya sa Lakers, ngunit hindi ito natuloy dahil marami na umanong naimprentang No. 23 jersey ang Nike dahilan para malugi sila ng milyones kung natuloy ang jersey swap ni James.

Samantala, mananatili pa rin si Lakers big man Anthony Davis sa No. 3, matatandaan na No. 23 din ang sinuot nito noong naglalaro pa siya sa New Orleans Pelicans.

Bago ang susunod na season, mapapanood na si James sa kanyang jersey number 6 dahil iyon din ang gamit niya sa kanyang pelikulang ‘Space Jam: A New Legacy’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?