34

Nov 1, 2020 @ 14:39
By

LeBron aprub! Obama mala-Ray Allen ang galawan

LeBron aprub! Obama mala-Ray Allen ang galawanKahit si four-time NBA MVP LeBron James ay bumilib sa tulis ni dating US President Barack Obama sa basketball.

Sa tweet ng traveling digital director ni US presidential bet Joe Biden, pinamalas ni Obama ang kanyang galing sa three-pointer kung saan nagbitaw ito ng tres sa corner sa isang gym sa Flint, Michigan.

“That’s what I do. That’s what I do!” pag-aangas ni Obama.
Tinulad pa ito ng fan account ng Miami Heat sa naging pansalbang tres ni Ray Allen noong Game 6 ng 2013 NBA Finals.


Samantala, napansin din ni LeBron ang viral video ni Obama at aprub ito sa basketball skills ng dating Pangulo.
“Now you just showing out now my friend!! That’s what you do huh?? Ok ok I see. All cash!” lahad ni LeBron.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?