57

Oct 28, 2019 @ 18:33
By

LeBron abot-tenga ang ngiti sa ratsada ni Howard

Kahit na binangko na sa huling limang minuto ng laro ang 6’11 center na si Dwight Howard sa kanilang bakbakan kontra Charlotte Hornets, abot-tengang ngiti naman ang bitbit nito matapos magpakita ng napakagandang performance.

Lumista si Dwight ng 8-of-8 field goal na 16 points sahog pa ng 10 rebounds at 4 blocks na nagbigay sa kanya ng maganadang plus-minus na 23 sa loob ng 23 minutong paglalaro niya para sa Los Angeles Lakers.

Mainit na standing ovation naman ang inabot ni Howard sa madla ng Staples Centers nang talunin nila ang Hornets sa 120-101.

“I’m grateful,” pahayag ni Howard. “I think myself and the fans have been through a lot together. But just to be back here, man, it means a lot. I just take it all in, every second, every moment on the court. It’s valuable. Hopefully the fans enjoy when we go out there and put everything on the line. I just try to bring that energy and that effort and that intensity every night — and have fun doing it.”

Sa ginawang performance ni Howard ay pinatunayan lang niya na kaya niyang panindigan ang iniwang role ni DeMarcus Cousins na ngayon ay out muna sa laro dahil sa nagpapagaling pa sa natamo niyang torn ACL nitong nakaraang Agosto.

Malaking kumpiyansa naman ang bitbit ni 3x NBA Champion LeBron James at para sa kanya, malaki ang tiwala niya kay Dwight.

“That’s why we brought him here,” kumpiyansang pahayag ni LeBron. “While everyone else was writing him off, we felt like we could give him a great opportunity, and we believed in him. We believed his word, and he’s making the most of it, and we’re truly excited to have him here right now.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?