28

Jun 18, 2020 @ 13:51
By

League of Provinces tutol sa Aug. 24 school opening

Gusto ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na ipagpaliban ng Department of Education ang simula ng susunod na school year sa Agosto 24.

Duda kasi sila sa kahandaan ngayon ng gobyernong Duterte na ikasa na ang distance learning.

Wika pa ni LPP president at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., mula Agosto ay gawing sa Oktubre o Nobyembre ang simula ng pasukan ng mga estudyanteng Pinoy.

Samantala, dapat anilang magsagawa ng dry run ang DepEd sa Agosto, para sa distance learning scheme lalo sa mga malalayong lugar sa bansa na limitado lang ang internet connection.

Pinunto ni Velasco ang sitwasyon sa Marinduque kung saan hindi stable ang internet at hindi lahat ay may gadget para sa blended o distance learning.

“Face-to-face interaction between teachers and students is still the best option. We can try it by November or December. By that time, the fight against COVID-19 can be clearer,” banggit pa ng gobernador, sa isang ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?