121

Aug 13, 2020 @ 20:36
By

Leading man ni Thalia, tinakbuhan ni Korina

Inamin ng broadcaster na si Korina Sanchez na nag-date sila noon ng Venezuelan actor na ka-loveteam ng popular na si Thalia sa Mexican TV series na “Rosalinda”.

Sa live Instagram interview kay Korina ng film at TV writer na si G3 San Diego na may temang “Empowered Women in Love”, napag-usapan ang tungkol sa marriage ng broadcaster kay dating senador Mar Roxas.

Sa ilang yugto naitanong ni San Diego kay Korina kung may nakarelasyon ba itong taga-showbiz.

“Wala, no artista boyfriend,” sagot ni Korina.

Nang tanungin kung nanligaw ba ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo sa kanya, sinagot niya ito ng, “Niligawan ako.”

Una raw silang nagtagpo noong 2000 nang bumisita si Carrillo sa Pilipinas sa kasagsagan ng kasikatan ng “Rosalinda” na pinalabas sa ABS-CBN.

“We dated, pero walang nangyari doon. None. Natakot ako. We had a date, and at the end of that date, nagkakaripas ako ng takbo papasok ng kotse ko to leave. Na-tense ako, e,” kuwento ni Korina.

Hindi tinukoy ni Korina ang dahilan kung bakit siya natakot noon na makipagrelasyon kay Carrillo.

Panoorin ang panayam sa ibaba:

View this post on Instagram

#LiveWithG3

A post shared by G3 San Diego (@g3cafe) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?