44

Jun 17, 2020 @ 17:10
By

Leachon, out na sa COVID-19 task force

Inanunsyo ni Dr. Tony Leachon na hindi na siya Special Adviser to the National Task Force on COVID-19.

Hindi tinukoy ni Leachon sa kanyang tweet kung nagbitiw siya o sinibak sa task force.

“It’s with deepest regret that I announce that I am not anymore the Special Adviser of National Adviser -COVID 19 effective today. I have my full respect for Sec. Charlie Galvez & we will remain as good friends. Lots of good memories. But I have to move on,” saad ni Leachon.

Matatandaang naging bukas si Leachon sa pagtuligsa sa Department of Health (DOH).

Kabilang sa sinabi niya ay kawalang pokus ng DOH sa prayoridad nitong makontrol ang COVID-19 infections.

“Time and again, I was asked not to speak about my independent views, but I think it would be helpful to the country. I think I was asked to resign, ‘yun ang real (score),” sabi niya sa panayam kamakailan sa CNN Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?