163

Dec 27, 2017 @ 14:05
By

Lea umalma sa pagtsugi sa ‘Larawan’ sa mga sinehan

Umaray na rin si Lea Salonga sa kapalaran ng festival entry na ‘Ang Larawan’. Nagtatanong siya sa tweet kung bakit hindi na ito palabas sa mga sinehan.

“So why is #Larawan not showing in more theatre? Isn’t this a film festival? Sigh. Nakakalungkot naman. Hindi nakakagulat, which makes it even more sad,” tweet ni Lea.

Laking teatro si Lea at nagbida na sa ilang musical plays. Kaibigan din niya si Joanna Ampil kaya nakikisimpatiya siya sa sinapit ng una niyang pagbibida sa pelikula pati na ang producers ng movie at kay Maestro Ryan Cayabyab.

Hindi nga naman tama na tinanggal agad sa sinehan ang ‘Ang Larawan’. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?